Trending ngayon sa Twitter world ang grand finals ng segment na "Miss Q&A" sa noontime show na "It's Showtime", na pinamagatan nilang "Miss Q&A Queenfinity War", Sabado, Oktubre 22, 2022.

Screengrab mula sa Twitter

Subalit hindi lubos ang kasiyahan ng madlang pipol at netizens dahil kapansin-pansing wala na naman ang isa sa mga host nitong si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda. Kaya naman, trending din ang kaniyang pangalan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Marami ang nagtataka ngayon kung bakit wala sa naturang grand finals ang host.

Matatandaang sa halos dalawang linggo umanong pagkawala niya ay umani ito ng iba't ibang espekulasyon mula sa mga netizen: kesyo "bad trip" daw siya sa co-hosts, at may lumutang pang lilipat na siya sa ALLTV.

Ngunit noong Lunes, Oktubre 17, ay muling nagbalik si Vice Ganda at binasag ang lahat ng mga espekulasyon tungkol sa pag-absent niya sa show, with matching new hair color pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/17/vice-ganda-balik-its-showtime-may-inamin-sa-kaniyang-pagkawala/">https://balita.net.ph/2022/10/17/vice-ganda-balik-its-showtime-may-inamin-sa-kaniyang-pagkawala/

Kaya naman labis na nalungkot ang mga manonood ng Showtime dahil sa mahalagang event ngayong araw, wala na naman ang komedyante.

Narito ang ilan sa tweets ng madlang netizens:

"Dati medyo naiinis ako kay Vice Ganda kapag nagho-host siya sa Showtime dahil daldal siya nang daldal. Ngayong absent siya ng 2 weeks alam ko na bakit lagi siyang madaldal. Haha."

"Lahat sa inyo big deal, Meme Vice isn't just a host, she also has so many works to do, and she's not that kind of host you're thinking. Everytime na absent siya has a valid reason, not for stupid reason lang gaya ng sinasabi n'yo sa kaniya #MissQandAQueenfinityWar."

"It’s Showtime’s Miss Q and A grand finals is not as powerful like before without Vice Ganda."

"Hindi naman nating kailangan manghinayang dahil wala si Vice this GF because after all, she did her best to make this segment come up again in the National TV, she did her best to elaborate issues tackled on this segment and mostly, she did her best to host the segment…"

Matapos hanapin ng madlang netizens, finally ay nagpaliwanag na rin si Vice Ganda sa pamamagitan ng tweets.

Aniya, gustuhin man niyang makadalo sa grand finals ay hindi umano siya pinayagan dahil sa "valid reason" na hindi na niya idinetalye. Iniyakan na nga raw ito ng comedian-host.

"Sorry po wala pa rin ako sa Showtime. Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason. Di ako pumayag na i-adjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now let’s focus on them. Sorry po! 💔," aniya sa kaniyang tweet.

https://twitter.com/vicegandako/status/1583691991292182528

"Kung alam n'yo lang kung gaano 'to kasakit para sa akin. This segment is very important to me and very close to my heart. Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko. 💔💔💔💔💔," dagdag pa nito.

https://twitter.com/vicegandako/status/1583693005860786180