Ibinahagi ni Kapuso actor-dancer-host Rayver Cruz ang litrato ng kaniyang "rumored girlfriend" na si Julie Anne San Jose, na siyang gumaganap ngayon bilang "Maria Clara" sa hit seryeng "Maria Clara at Ibarra" sa GMA Telebabad, na trending at talaga namang piang-uusapan simula noong umere ito sa Primetime.

Julie Anne San Jose (Screengrab mula sa IG ni Rayver Cruz)

Marami ang kinikilig sa kanilang dalawa lalo't hayagan na ang laging pag-flex ni Rayver kay Julie Anne sa kaniyang social media accounts, bagama't wala pa naman silang tiyak at direktang pag-amin sa estado ng kanilang ugnayan. Marami ang umaasam sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay na sana raw ay sila talaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, dedma lamang si Rayver sa pinag-usapang pangmamalisya sa kanila ng isang netizen, sa pinsan niyang si Sunshine Cruz, na nag-ugat dahil sa isang larawan nila kung saan nakaakbay siya sa kaniyang "ate".

"A photo taken when the Cruz cousins guested for your birthday prod on @alloutsundays7. I remember asking you na I wanted sana a photo with @myjaps.😍 Know that your Ate Shine loves you and I am very happy for you! I’m sure Tita Beth is smiling in heaven now. You deserve everything you have now dahil napakabait mong tao. Happy Birthday @rayvercruz! Love you Ray," ani Sunshine.

Pinaratangan ng netizen si Rayver na sinulot o inagaw niya si Sunshine mula sa estranged husband nitong si Cesar Montano.

Bagay na tinawanan at cool na sinopla ni Sunshine.

"Pinsan ko po si Rayver. Haha. [laughing in tears emoji]”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/19/sunshine-cruz-sinalag-ang-bintang-ng-netizen-na-sinulot-siya-ni-rayver-cruz-kay-cesar-montano/">https://balita.net.ph/2022/10/19/sunshine-cruz-sinalag-ang-bintang-ng-netizen-na-sinulot-siya-ni-rayver-cruz-kay-cesar-montano/

Magpinsan sina Sunshine at magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz dahil magkapatid ang tatay ni Sunshine na si Danny Cruz at ang ina nina Rayver at Rodjun na si Beth Cruz, na namayapa na. Magkakamag-anak sila ni Donna Cruz, Sheryl Cruz, Geneva Cruz, at Tirso Cruz III.

Noong Oktubre 10, nag-post din si Sunshine ng litrato nila ni Rodjun Cruz nang batiin niya ito sa kaarawan nito.

"Happiest Birthday to my super sweet cousin @rodjuncruz! Ate Shine’s always here for you, Dianne and Joaquin. Enjoy your special day RJ. Love you!" mensahe ni Sunshine.

Tugon naman ni Rodjun, "Awwww! Thank you my ate Shine! Ako din. Lagi Lang din akong Nandito for you & your family!😍😘🎉 Love you ate! Mwah!💘 see you soon!"

Resbak ng mga netizen sa naturang "mapagparatang" na netizen, mag-research muna bago kumuda!