Apat na buwan matapos mapakinggan ang kauna-unahang music collaboration ni Darren Espanto at Calum Scott sa kantang “Heaven,” hinangaan ng fans ang sa wakas ay live performance ng dalawa sa kamakailang Manila concert ng English singer-songwriter.

Sa naganap na “Bridges” Asia Tour ng multi-platinum singer sa Manila noong Huwebes, Oktubre 20, highlight ng concert ang live duet ni Calum at Darren.

Matapos ang mahigit isang oras na setlist ng “You Are The Reason” hitmaker sa New Frontier Theater sa Cubao, pangmalakasang finale ang handog ng dalawa sa fans.

Parehong pinalakpakan at hiniyawan ng mga dumalo pinakahinintay na live performance ni Darren at Calum.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Pinabilib din ng Kapamilya singer maging ang purong tagahanga ng English artist.

Basahin: Darren Espanto, Cassy Legaspi, naispatang magkasama sa isang web series premiere; fans, kinilig! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Yung pagpasok ng boses ni Darren sa kanta I felt heaven,” anang isang fan sa YouTube video ng kanilang performance.

“Nakaka-proud si Darren!”

“I didn’t know Darren is this good. Wow!”

“Luh, kailan pa naging ganito kalaki ang boses ni Darren? Haha”

“So proud of you Darren!”

Basahin: Kauna-unahang collab nina Darren Espanto at Calum Scott, trending – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Hunyo nang ilabas ni Calum ang ilang collaborations sa nasabing kanta tampok ang ilang Asian artists.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 2.8M na ang streams ng collab ni Darren at Calum sa YouTube pa lang.