Sinuspindi ng Commission on Elections (Comelec) ang nakatakda sanang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa Barangay, Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre kasunod na rin ng ipinasang batas na nagpapaliban ng halalan.

Sinabi ng Comelec, isasagawa sana ang pagsasampa ng COC nitong Oktubre 22 hanggang 29.

Bukod dito, sinuspindi rin ng Comelec ang iba pang aktibidad nito na nasa kanilang calendar of activities para sa BSKE sa Disyembre 5, 2022.

Nilinaw ng tagapagsalita ng Comelec na si John Rex Laudiangco, aayusin pa nila ang nakalatag na calendar of activities, kabilang na ang panahon ng filing ng COC, election period, ipaiiral na panahon ng gun ban, campaign period at paghahain ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Ilalatag aniya ito dalawang buwan bago idaos ang 2023 BSK elections.