Inihayag ni Senator Francis Tolentino nitong Sabado na nakatanggap siya ng ulat na aabot lang sa ₱10,000 bawat isa ang mga laptop na ginastusan ng Department of Education (DepEd) ng ₱2.4 bilyon para sa mga guro.

Sinabi ni Tolentino,chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-imbestiga sa nasabing kuwestiyunableng transaksyon ng DepEd, na ang ilang "outdated" na laptop na nabili ngProcurement Service-Department of Budget and Management (DBM-PS) para sa mga guro, ay isinusubasta sa isang surplus store sa Cebu.

“Napakakomplikado na ng mga issue. Gaya ngayon, ang laman ng mga balita ngayon sa Cebu 'yungmga ilang laptop ay binebenta na sa mga auction [stores] sa Cebu,” sabi ni Tolentino sa panayam sa radyo.

“Kung alam niyo 'yung HMR auction, may mga post na ngayon na nakakarating sa akin may balita ang isang pahayagan sa Cebu na₱10,000 na lang 'yung halaga. May sticker pa nung agency, pero 'yan angpinag-uusapanngayon sa city of Cebu,” sabi pa ng senador.

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

“Ako nga, naguluhan eh. Kasi ngayon lang nakarating sa akin ‘yon. Tapos na 'yung hearing, so ibig sabihin nasa secondary market na. Nandoon na sa naging₱10,000 na lang ngayon. At saka hindi mo pwedeng ibenta 'yun dahil pag-aari ng pamahalaan 'yun.

Kaugnay nito, sinabi ng senador na hinihintay pa nila ang mga kinalaman sa usapin bago nila ilabas ang committee report kapag tinapos na ng Senado ang pagdinig sa Huwebes.

Sa kabila nito, tiniyak ng senador na hindi na nila bubuksan muli ang imbestigasyon sa usapin.

“Hindi na, tapos na eh, buo na 'yung kaso. Ano na lang ito, mga kung may nangyari tapos na bahagi na rin ng malaking istorya,” banggit pa nito.

Matatandaang kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang pagbili ng PS-DBM ng mga laptop para sa DepEd at sinabing "mayroong mas murang at mga pagpipilian ng laptop sa merkado."

Ang mga laptop ay gagamitin sana ng mga pampublikong guro para sa ipinatutupad na distance learning ng pamahalaan sa kasagsagan ng pandemya ng coronavirus disease 2019.