Tuloy na tuloy na ang concert tour nina Kapamilya heartthrobs Piolo Pascual at Jericho Rosales sa Amerika at Canada ngayong Nobyembre.

Ito ang kinumpirma ng talent agency ng duo na Cornerstone Entertainment noong Huwebes.

Apat na concert venues ang pagtatanghalan ng dalawang premyadong actor-singer kabilang na ang Vancouver at Calgary sa Canada gayundin sa Texas at California sa Amerika.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Samantala, Setyembre pa lang ay puspusan na ang promotion ng dalawa para sa inaabangang concert.

Hindi naman nakaligtas ang duo sa kapilyuhan ng Kapamilya host at ngayo’y YouTube vlogger na rin na si Luis Manzano na may nakakaaliw na komento sa isang Instagram post ni Piolo.

“Naku naku! Pasalamat kayo busy ako… baka ‘di na kayo lumabas ng stage sa hiya kung kasama ako,” anang host na ikinaaliw ng maraming netizens.

Naispatan naman sa ilang serye ng Instagram post ni Jericho ang kanilang paghahanda na ni Piolo kabilang na ang kanilang band rehearsal sa bansa bago tumulak para sa una nilang concert leg sa Canada.