Isang lalaki ang inaresto ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) matapos umanong agawin ang bag ng isang dating aktres sa Barangay Laging Handa, Quezon City noong Huwebes ng gabi, Oktubre 20.

Kinilala ni Lt. Col. Robert Amoranto, QCPD Kamuning Station (PS 10) commander, ang suspek na si s Abdul Mohammad Bocua, 30, residente ng Barangay Holy Spirit, QC.

Sinabi ng pulisya na ang biktimang si Erica Davantes, kilala rin bilang Hazel Espinosa, dating aktres, ay nag-aayos ng kaniyang mga gamit sa likod ng sasakyan sa harap ng isang clinic sa Scout Tuazon Street sa Barangay Holy Spirit bandang alas-9 ng gabi nang biglang dinukot umano ng naka-motorsiklong suspek ang kaniyang bag na naglalaman ng dalawang cellphone, isang iPad mini, isang gintong singsing na may bato, isang ID, mga resibo ng business transactions at ilang mga susi.

Tumakas umano ang suspek patungong Roces Avenue. 

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ayon sa QCPD, iniulat ni Davantes ang insidente sa PS 10, na ipinaalam sa mga pulis na natunton na ang lokasyon ng suspek gamit ang telepono ng kaniyang anak.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga rumespondeng pulis at naaresto ang suspek sa bahay nito sa Brgy. Holy Spirit.

Narekober ng awtoridad mula sa suspek ang dalawang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P130,000 at ang kaniyang iPad mini na nagkakahalagang P42,000.

Aaron Dioquino