Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang "face reveal" ng kaniyang anak na si Baby Amila Sabine, sa kaniyang Instagram post ngayong Oktubre 20, 2022.

"Hello world! It’s been a month 💞 mom and dad are finally ready to share me with you. So, here i am," ayon sa caption ni Angge.

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kitang-kita naman ang cute na cute na face ng kaniyang baby na anak nila ng partner na si Gregg Homan, na nag-propose na sa kaniya noong Oktubre 8.

Ilan sa mga celebrity friends na nagkomento rito ay sina Maja Salvador, Bela Padilla, Enchong Dee, Iza Calzado, Alora Sassam, Melai Cantiveros, Maymay Entrata, at Anne Curtis-Smith.

Isinilang ni Angge si Baby Amila Sabine noong Setyembre 20, 2022.

"'Bean' waiting for you all my life," caption ni Angge.