Binati ng aktor-komedyante na si Dennis Padilla si Dani Barretto para sa kaarawan nito ngayong Oktubre 20, 2022, sa pamamagitan ng isang sulat-kamay na birthday greeting card.

Mababasa sa card ang ganitong mensahe: "Dearest Dani, Happy B-day anak!! You are a very good mother and wife! An effective vlogger + businesswoman! We are proud of you anak!! God bless you more."

Mapapansin sa naturang card na nakadikit ang throwback photo ni Dani, na ayon kay Dennis ay matagal niyang itinago sa kaniyang pitaka.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Dani ay anak ng kaniyang estranged wife na si Marjorie Barretto sa aktor na si Kier Legazpi.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Kakatouch naman kuya Dennis everything will happen in God's perfect time, tulad nung nangyari ke kuya cesar montano na sa huli nagkabatibati sila nila ate shine at mga anak nila, I'm sure alam ni dani na tinuring mo siya na higit pa sa anak hanga kami sa iyo basta nandun yung Faith mo ke God siya na ang gagawa ng lahat."

"Always remember that is written in Bible honor you’re parents no matter there made mistakes to their children you will not achieve everything with out them."

"A loving father indeed❤️, , kahit po hindi po ikaw biological father ni Dani but your still manage to be a best father that she ever had. . Stay strong sir Dennis magiging okay din ang lahat."

"I'm so touched and i felt pity po on your situation… Sana po i touch ni God ang heart ng mga anak mo para mawala na ang poot sa kanilang dibdib kung kaya't ayaw nila sa inyo. Kasi kung wala ng poot sa dibdib nila i'm sure they'll be kind and generous na po sa inyo. Sana po ma enlighten na po ang mga isipan nila para happy na po kayong mag-ama."

Samantala, wala pang tugon si Dani sa pagbati sa kaniya ni Dennis sa Instagram

Kamakailan lamang ay naging laman ng mga balita ang pagbubunyag ni Dani tungkol sa dating karelasyon ng kaniyang Tita Claudine Barretto, na si Rico Yan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/03/dani-barretto-may-ibinunyag-tungkol-sa-yumaong-aktor-na-si-rico-yan/">https://balita.net.ph/2022/10/03/dani-barretto-may-ibinunyag-tungkol-sa-yumaong-aktor-na-si-rico-yan/

Matatandaang hindi pa maayos ang relasyon ni Dennis sa mga anak nila ni Marjorie, na talaga namang pinag-usapan sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/dennis-nag-sorry-kay-leon-naglabas-din-ng-open-letter-miss-ko-lang-kayo/">https://balita.net.ph/2022/06/27/dennis-nag-sorry-kay-leon-naglabas-din-ng-open-letter-miss-ko-lang-kayo/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/14/dennis-padilla-miss-na-ang-anak-na-si-claudia-barretto-pinagsabihan-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/08/14/dennis-padilla-miss-na-ang-anak-na-si-claudia-barretto-pinagsabihan-ng-mga-netizen/

Ang recent ay nang tawagin niya ang atensyon ng anak na si Julia Barretto matapos ang mga nasabi nito sa vlog ni ABS-CBN news anchor Karen Davila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/18/dennis-padilla-nanggigil-sa-anak-na-si-julia-barretto-matapos-ang-panayam-kay-karen-davila/">https://balita.net.ph/2022/09/18/dennis-padilla-nanggigil-sa-anak-na-si-julia-barretto-matapos-ang-panayam-kay-karen-davila/

Kaya naman, abangers na ang lahat sa magiging panayam sa kaniya ni Karen, matapos niya ring tawagin ang atensyon nito at humiling na kunin at ilahad din ang kaniyang panig.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/18/pls-be-fair-to-all-dennis-padilla-tinawag-atensyon-ni-karen-davila-nanawagan-ng-panayam-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/09/18/pls-be-fair-to-all-dennis-padilla-tinawag-atensyon-ni-karen-davila-nanawagan-ng-panayam-sa-kaniya/