Naging emosyunal sa labis na pagkabalisa at pag-aalala ang ate ng actress-vlogger na si Ivana Alawi matapos nitong mapag-alamang "nawawala" ang kaniyang anak na apat na taong gulang na si "Gab".

Ayon sa latest ">vlog ni Ivana, naisipan nilang i-prank si "Amira", ang kanilang panganay na kapatid, na kunwari ay nawawala ang anak nito habang nagpapaayos ito ng buhok sa isang salon. Nagpaalam sila sa kapatid na habang nagpapa-salon ito ay mamimili lamang sila, at maiiwan dito si Gab.

Lingid sa kaalaman ni Amira, isinama pa rin nina Ivana si Gab at pinaiwan ito sa isang tita. Inakala naman ni Amira na isinama ng kaniyang pamilya si Gab sa pamimili. Sa madaling salita ay tila nagkasalisihan sila.

Kaya namang puntahan na ni Amira sina Ivana, nagulat siya nang mapag-alamang wala sa kanila ang anak.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kitang-kita ang pagkabalisa at labis na pag-aalala ni Amira dahil uso pa naman ngayon ang pangingidnap.

Maya-maya, lumabas na mula sa kaniyang pinagtataguan ang anak at ito na mismo ang nagsabing "It's a prank!"

Dito na ibinunyag ni Ivana na prank lamang ang lahat, at saka ibinigay sa ate ang isang "future fund" para kay Gab. Pinuri din nito ang pagiging solo parent ng kapatid.

Kilala si Ivana sa pagpa-prank na minsan ay content ng kaniyang vlog.