Natatawang tumugon ang aktres na si Sunshine Cruz sa "galit" na paratang ng isang netizen sa Kapuso actor-dancer na si Rayver Cruz, na umano'y inagaw o sinulot siya nito mula sa kaniyang dating mister na si Cesar Montano, matapos ang kanilang paghihiwalay.

Minalisya ng naturang netizen ang Facebook post noon ni Sunshine, Hulyo 20, kasama si Rayver at ang rumored girlfriend nitong si Julie Anne San Jose. Birthday message niya ito sa aktor, na kaniya palang pinsan.

"A photo taken when the Cruz cousins guested for your birthday prod on @alloutsundays7. I remember asking you na I wanted sana a photo with @myjaps.😍 Know that your Ate Shine loves you and I am very happy for you! I’m sure Tita Beth is smiling in heaven now. You deserve everything you have now dahil napakabait mong tao. Happy Birthday @rayvercruz! Love you Ray," ani Sunshine.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa isang litrato kung saan makikitang nakaakbay si Rayver kay Sunshine, nagkomento rito ang isang netizen

"Pa pogi ka inagaw.mo kay.idol.ko cesar montano,” sey ng netizen nitong Martes, Oktubre 18.

Cool na sagot ni Sunshine, "Pinsan ko po si Rayver. Haha. [laughing in tears emoji]”

Screengrab mula sa FB/Sunshine Cruz

Magpinsan sina Sunshine at magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz dahil magkapatid ang tatay ni Sunshine na si Danny Cruz at ang ina nina Rayver at Rodjun na si Beth Cruz, na namayapa na.