Pinag-aaralan pa ring alisin ng Department of Education (DepEd) ang Mother Tongue bilang asignatura sa K-12 curriculum.

'"Yung pagtatanggal ng Mother Tongue as a subject, wala pa naman po tayong final diyan, dahil sa ngayon on-going [ang] consultation with experts and stakeholders across the country in line doon sa ating K-10 review na isinasagawa,” paglilinaw ni DepEd spokesman Michael Poa sa isinagawang Laging Handa public briefing nitong Miyerkules.

Reaksyon ito ni Poa kasunod na rin ng pahayag ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing sa pagdinig sa Senado nitong Lunes na kumakain ng 50-minuto ang nabanggit na asignatura kaya papalitan na lang ito ng reading at math programs.

Gayunman, nilinaw ni Densing na tinatalakay pa nila ang usapin sa pamamagitan ng "consensual basis."

National

Rep. Abante, muling binira ang 'bashers' ng quad comm

Pumalag naman sa naturang plano ng DepEd siACT Teachers Party List Rep. France Castro at sinabing paurong ang pamahalaan sa pagbibigay sana ng mahusay na edukasyon sa mga kabataan at sa pagsusulong ng pagiging tunay na makabayan."