Pumanaw sa kaniyang probinsya sa Santa Fe de la Laguna sa bansang Mexico si María Salud Ramírez Caballero, ang inspirasyon sa kilalang 2017 Disney and Pixar character na si “Mama Coco.”

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng Mexican state of Michoacan sa isang Twitter post noong Linggo, Okt. 16, habang hindi naman nabanggit ang dahilan ng pagpanaw.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

https://twitter.com/robertomonroy1/status/1581753572093743104?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1581753572093743104%7Ctwgr%5E8474b8c913b928a528f13930022a81d5a7e64b25%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Fshowbiz%2Fshowbizabroad%2F848456%2Fmaria-salud-ramirez-caballero-inspiration-for-disney-and-pixar-s-mama-coco-passes-away%2Fstory%2F

Nasa 109-anyos na si Caballero, ayon sa isang ulat ng E! News kamakailan.

Ang Oscar-winning 2017 “Coco” ay tungkol sa matandang kaugalian ng Mexico na “Day of the Dead Traditions.” Tampok sa kuwento ang 12-anyos na si Miguel na napadpad sa isang makulay na “Land of the Dead” matapos patugtugin ang isang lumang gitara.

Sa mahiwagang mundo, nakilala rito ni Miguel ang kaniyang great-grandmother na si “Mama Coco.”

Samantala, kasunod ng pagpanaw ni Caballero, ilang global fans online ang nagluksa at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Mexican lola mula pa noong Linggo.

Ayon sa ulat ng E! News, habang binubuo ang pelikula, kinumpirma noon ng parehong Disney at Pixar na nakipag-ugnayan sila sa pamilya ni Caballero.

Kapansin-pansin din ang pagkakapareho ng animated character sa itsura ng Mexican lola.