Hit na hit, trending, at palong-palo sa TV ratings ang "Maria Clara at Ibarra" na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa GMA Telebabad.

Halaw ito mula sa una at walang kamatayang nobela ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, na pinamagatang "Noli Me Tangere".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/barbie-forteza-trending-pinuri-ang-akting-sa-maria-clara-at-ibarra/">https://balita.net.ph/2022/10/04/barbie-forteza-trending-pinuri-ang-akting-sa-maria-clara-at-ibarra/

Dahil sa pagiging patok nito ay kaliwa't kanang memes na ginagawa ng mga netizen na nagdudulot ng katatawanan sa social media. Isa na riyan ang gumaganap na "Padre Salvi" na si Juancho Triviño.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kakaiba kasi ang hitsura ni "Padre Salvi" dahil kalbo ang ituktok ng ulo nito, at ang buhok ay nasa palibot lamang. Dahil dito, inihambing siya sa mga "itlog".

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Juancho at sa halip na ma-offend ay sinakyan na lamang ito, in character.

"Hoy! Ano nanaman ang ibig sabihin ng litratong ito? Animales!!"

"Love, PS (Padre Salvi)," aniya sa kaniyang tweet nitong Miyerkules ng umaga, Oktubre 19.

https://twitter.com/juanchotrivino/status/1582576275121917956

Bukod sa pagganap nina Barbie, Dennis, Julie Anne at Andrea Torres, pinupuri din ng mga netizen ang pagganap ni Juancho bilang Padre Salvi. Isa sa mga pumuri dito ay ang Kapuso TV host at trivia master na si Kuya Kim Atienza.

"@juanchotrivino you are sooo good, naiinis ako when I see you on TV! Bravo #MCIpagtitimpi" ayon sa tweet ni Kuya Kim.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1581998725953597440?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1581998725953597440%7Ctwgr%5E2e4b4637655ee1359bbbe73723fb1722a36fd39d%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Fshowbiz%2Fchikaminute%2F848414%2Fkuya-kim-praises-juancho-trivino-s-acting-in-maria-clara-at-ibarra%2Fstory%2F

Nagpasalamat naman si Juancho sa papuri ni Kuya Kim.

Samantala, naging usap-usapan din ang sweet message ni Juancho sa kaniyang misis na si Joyce Pring, matapos itong umani ng pambabash sa social media dahil sa naging pahayag tungkol sa "non-believers" ni Hesukristo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/16/juancho-trivino-buo-ang-suporta-sa-misis-na-si-joyce-pring-matapos-i-bash-sa-social-media/">https://balita.net.ph/2022/10/16/juancho-trivino-buo-ang-suporta-sa-misis-na-si-joyce-pring-matapos-i-bash-sa-social-media/

Tahasan kasing sinabi ni Joyce na maparurusahan ang kaluluwa ng mga taong hindi naniwala sa Kaniya; gayunman, ang mga nagbalik-loob at humingi ng tawad sa Diyos dahil sa kaniyang mga nagawang kasalanan ay makatatanggap naman ng kapatawaran.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/13/joyce-pring-kuyog-sa-netizens-dahil-sa-pahayag-ukol-sa-kahihinatnan-ng-non-believers-ni-hesukristo/">https://balita.net.ph/2022/10/13/joyce-pring-kuyog-sa-netizens-dahil-sa-pahayag-ukol-sa-kahihinatnan-ng-non-believers-ni-hesukristo/