Instant viral ang post ng isang Facebook user matapos ibahagi nito ang usapan nila ng isang problemadong manliligaw na unang natimbrehan na ng isa pa. Si Ate girl, may diretsang payo!

Kinaaliwan ng libu-libong netizens ang ngayo’y viral post na isang Jenica Gamboa sa Facebook kasunod ng isang messenger screenshot tampok ang usapan nila ng kaniyang manunuyo.

Dito, mababasa ang pagnanais ng itinagong lalaki na manligaw sa kaniya. Kaya lang, nabanggit na umano ng isa pang kakilala na balak ring umakyat ng ligaw sa dalaga.

“Sana mapansin mo ako,” anang suitor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Diretsa namang sagot ni Jenica: “Mag-usap kayo.”

“Ako pwede ko kayo pagsabayin, ewan ko lang kung papayag kayo,” dagdag ng Facebook user.

Dahil sa direkta, walang pakundangang sagot ng dalaga ay agad na nag-viral ang naturang post na umabot na sa 94,000 reactions sa loob lang ng ilang oras.

Kasalukuyang naibahagi na rin ito ng nasa 44,000 beses.

Katatawanan, at good vibes ang hatid nito sa netizens online.

“Tama naman. Ang babae pwedeng maraming manliligaw kase mamimili nga sya eh. Pero ang lalaki, hindi pwedeng maraming nililigawan kase nga pinapakita mo na loyal ka in pursuing her heart,” tila pagsang-ayon pa ng isang kapwa babae sa post.

“That’s the spirit!”

Paghihinaing naman ng isang lalaki sa comment section: “Ta’s ‘pag kayo pinagsasabay galit na galit kayo aba umay hahahhaa!”

Anang uploader ng viral usapan, hindi niya akalaing sasabog ang naturang post sa Facebook na aniya'y isa lang ding biro.