Tinuldukan na ni Kapuso actor at isa sa mga bida ng "Start-Up PH" na si Jeric Gonzales ang espekulasyon noon ng mga netizen na hiwalay na kaagad sila ni Miss Universe Philippines 2020 at kapwa Kapusong si Rabiya Mateo, batay sa kanilang mga "galawan" sa social media.

Napansin ng mga "online Marites" ang pag-unfollow ng dalawa sa isa't isa noong Hunyo 20.

Kapag daw sinearch sa kani-kanilang IG accounts ang mga pangalan nila ay hindi na raw ito lumilitaw.

Napansin din ng mga netizen na tila burado ang mga litrato ni Jeric sa IG ni Rabiya, gayundin ang mga litratong magkasama sila. Kung bibisitahin naman ang IG account ni Jeric, naroon pa naman ang kanilang mga litrato.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/20/rabiya-at-jeric-nag-unfollow-na-raw-sa-isat-isa-sa-ig-nagkakalabuan-na-ba/">https://balita.net.ph/2022/06/20/rabiya-at-jeric-nag-unfollow-na-raw-sa-isat-isa-sa-ig-nagkakalabuan-na-ba/

Dumagdag pa sa tsismis na ito ang Instagram post ng showbiz columnist na si Lolit Solis na tila away-bati raw ang dalawa, at nag-alala pa nga itong baka makaapekto sa showbiz career nila ang mga negatibong balita tungkol sa kanilang relasyon.

Naisyu rin ang mga kumakalat na litrato ni Jeric kung saan tila makikitang may katukaan siyang kapwa lalaki.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/14/viral-photos-ni-jeric-gonzales-na-nilagyan-ng-malisya-kuha-raw-sa-indie-film/">https://balita.net.ph/2022/06/14/viral-photos-ni-jeric-gonzales-na-nilagyan-ng-malisya-kuha-raw-sa-indie-film/

Bagay na pinasinungalingan naman ng ilang mga netizen at sinabing screengrab ito mula sa indie film ng aktor noong 2020.

Mayo 29, may cryptic post si Rabiya na tila may pinagdaraanan siya, at to the rescue naman ang kapwa beauty queens.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/rabiya-mateo-mukhang-may-pinagdaraanan-kapwa-beauty-queens-to-the-rescue/">https://balita.net.ph/2022/05/29/rabiya-mateo-mukhang-may-pinagdaraanan-kapwa-beauty-queens-to-the-rescue/

Hunyo 27 naman nang magkaroon ng Instagram post si Rabiya matapos niyang ipakita ang kaniyang glow-up photo na may cryptic caption.

Pinasalamatan ni Rabiya ang kaniyang glam team na nasa likod ng kaniyang photoshoot.

"Hi! Ako pala yung sinaing mo. Joke!" saad ni Rabiya sa kaniyang caption.

Sabi ng mga netizen, ang hirit na ito ay mula sa "Ako nga pala yung sinayang mo."

Nakisakay naman dito si Miss Universe Philippines 2014 at Eat Bulaga host na si MJ Lastimosa.

"Lika inorder na kita," sey ni MJ.

Tumugon naman dito si Rabiya, "With extra rice?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/rabiya-umawra-sa-ig-photos-may-makahulugang-hirit-hi-ako-pala-yung-sinaing-mo/">https://balita.net.ph/2022/06/27/rabiya-umawra-sa-ig-photos-may-makahulugang-hirit-hi-ako-pala-yung-sinaing-mo/

At ngayon nga, tila open na si Jeric sa pag-amin kung talaga bang hiwalay na sila ng beauty queen, dahil hindi na rin sila nakikitang magkasama sa mga litrato o video sa kani-kanilang social media accounts.

"Ang pinaghiwalayan namin, siguro misunderstanding lang. Siguro 'yung priorities naming pareho sa work, sa career, sa life," sey ni Jeric sa naging panayam at ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Wala umanong involved na third party sa kanilang hiwalayan.

"Naghiwalay kami nang maayos and hindi kami bitter sa isa't isa. Kaya pag nagkikita kami, hindi kami nag-iiwasan, hindi awkward," aniya pa.

Sa katunayan, nagkita pa sina Jeric at Rabiya sa "TiktoClock" kung saan isa si Rabiya sa hosts, kasama nina Kuya Kim Atienza at Pokwang.

Kung pagtatagpuin ulit ang kanilang mga future, may posibilidad daw na magkabalikan sila ni Rabiya.

Nagkrus ang mga landas ng dalawa nang maging magkatambal sa isang episode ng "Wish Ko Lang" noong Nobyembre 2021. Dito na umano sila nagsimulang magkapalagayang-loob.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/jeric-tumibok-daw-kaagad-ang-puso-para-kay-rabiya-nang-makatrabaho-sa-wish-ko-lang/">https://balita.net.ph/2022/03/21/jeric-tumibok-daw-kaagad-ang-puso-para-kay-rabiya-nang-makatrabaho-sa-wish-ko-lang/

Umugong naman ang tsika na may "something" sila noong Disyembre 2021, matapos silang maispatan sa isang amusement park sa Sta. Rosa, Laguna, at gayundin sa isang beach sa Olongapo City.

Marso 16, 2022 nang pormal nilang ihayag sa publiko ang kanilang relasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/17/sa-yo-na-korona-rabiya-mateo-miss-universe-sa-puso-ni-jeric-gonzales-kailan-nagsimula/">https://balita.net.ph/2022/03/17/sa-yo-na-korona-rabiya-mateo-miss-universe-sa-puso-ni-jeric-gonzales-kailan-nagsimula/