Sinuportahan pa rin ng Department of Health (DOH) ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa gitna ng ilang development sa sitwasyon ng Covid-19 sa bansa.

Ito ang posisyon ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire matapos siyang tanungin tungkol sa kasalukuyang pananaw ng Health department sa pagsasagawa ng in-person classes sa gitna ng pagtuklas ng mga bagong variant ng coronavirus sa bansa.

“Ang DOH, kahit na sa pagpasok ng mga bagong variant na ito, kahit na ang ilan sa mga lugar ay may pagtaas ng kaso, tuloy-tuloy ang ating pagsuporta sa face-to-face classes ng Department of Education,” ani Vergeire sa isang press briefing nitong Martes, Oktubre 18.

Sinabi ni Vergeire na ang pandemya ay may masamang epekto sa kalusugan ng isip ng mga bata.

Ethics complaint mula sa indigenous group, inihain laban kay Rep. Castro; dapat daw tanggalin sa puwesto?

“Atin pong nakita ang naging epekto ng pandemya, restrictions, pagkawala ng pasok ng face-to-face sa mental health ng ating kabataan,” aniya.

“We would like to give that commitment na tayo ay hindi lang Covid-19 ang ating sisiguraduhin na maayos sa ating populasyon. Pati na rin po yung mental health nila,” dagdag niya.

Sinabi ng DOH na mahalagang panatilihin ang ilang mga pananggalang upang maprotektahan ang mga bata. Kabilang dito ang pagbabakuna, pagtiyak ng maayos na bentilasyon sa mga silid-aralan, at "patuloy na pagtutok at pagsubaybay sa ating mga paaralan."

Upang tandaan, inihayag ng DOH ang pagkakaroon ng Omicron subvariant XBB at XBC subvariant sa Pilipinas.

Analou de Vera