Pormal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang film director at producer Paul Soriano bilang Adviser of Creative Communications, ngayong Lunes, Oktubre 17.
Si Soriano, pamangkin ni First Lady Liza Araneta Marcos, ay isa sa mga pinagpipilian na maging Press Secretary kasunod na rin ng pagbibitiw ni Trixie Cruz-Angeles sa puwesto.
Tinanggihan ito ng direktor dahil marami aniyang mas kuwalipikado sa posisyong ito.
Matatandaang malaki ang naging papel ni Soriano sa pangangampanya ng UniTeam noong nagdaang halalan, na umani ng katakot-takot na bash sa social media.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/17/film-director-paul-soriano-itinalagang-adviser-for-creative-communications/">https://balita.net.ph/2022/10/17/film-director-paul-soriano-itinalagang-adviser-for-creative-communications/
Kasama ni Soriano ang kaniyang misis na si TV host-actress-vlogger Toni Gonzaga at anak nilang si Seve.
Sa Instagram stories ni Toni ay proud na flinex niya ang mga "before-and-after" ng naturang oath-taking.
"So proud of you!" saad ni Toni.
Ipinakita rin niya ang pagsorpresa nina PBBM at misis nitong si First Lady Liza Araneta-Marcos para sa kaarawan ni Soriano.
Sina Direk Paul at Toni ay inaanak sa kasal ni PBBM. Tita naman ni Direk Paul si FL Liza.