Ibinahagi ni Senador Bong Go na sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-selfie si dating Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang sariling cellphone, kasama niya.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 16, ay tinawag niyang "Selfie King" si Digong.

"Salamat, PRRD! Isang karangalan na napa-selfie ka ng Selfie King… for the first time!" aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami naman sa mga netizen ang nagpahayag na nami-miss na nila si dating Pangulong Duterte. Kahit wala na sa gobyerno ay marami pa ring sumusubaybay sa pribadong pamumuhay ngayon ni PRRD, kaya naman malaki ang pasasalamat ng kaniyang mga tagasuporta kay Go, dahil kahit paano ay nasisilayan pa rin nila ito, sa pamamagitan ng kaniyang social media updates.

Sa isa pang hiwalay na Facebook post, ipinakita ni Go ang pagkain nila ng dinner ni Digong matapos ang "meet and greet" sa mga tagasuporta.

Kagaya raw ng dati ay umorder ito ng paborito niyang "camote fries".

Ibinida rin ng senador at kilalang sidekick ng dating pangulo na pinagawan niya ito ng jacket. Aniya, nami-miss na raw ni PRRD ang mga "DDS" o tawag sa mga tagasuporta niya.

"Sa haba ng pakikipagkuwentuhan sa ilang bisita at supporters, nagkayayaan na naman kami ni dating pangulong Rodrigo Duterte maghapunan. Siyempre nag-order siya ng paborito niyang camote fries!"

"Yun nga palang suot na bagong jacket ni Tatay Digong, pinagawa ko para sa kanya. Sabay naming itinuro ang bandila ng Pilipinas dahil sabay pa rin kaming magseserbisyo sa aming kapwa Pilipino. Sabi nga pala niya, nami-miss na niya ang mga ka-DDS! Ingat po kayo palagi!" saad sa caption.