Handa nang tumanggap ang pamahalaan ng mga banyagang mamumuhunan sa mga airport, telecommunications company (telcos), kalsada at sa iba pang industriya sa bansa, ayon sa pahayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno.
“Foreign investors are now welcome to bring their capital into the country, especially in the fields of telecommunications, airports, toll roads, and shipping,” bahagi ng pahayag ni Diokno sa dinaluhang Standard Chartered Bank (SCB) Sovereign Investor Forum sa Ritz-Carlton sa Washington, D.C. kamakailan.
Nauna nang idinahilan ni Diokno na sa ilalim ng inamyendahangPublic Service Act (PSA) na nagtatanggal ng mga restriksyon sa ilang industriya katulad ng telcos, mga paliparan at iba pa, pinapayagan nang magkaroon ng 100 porsyentong foreign ownership.
Sa kasalukukyan, gumagawa pa rin ng hakbang ang economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. laban sa tumataas na inflation, mataas na interest rate, pagbaba ng piso kontra dolyar, paglobo ng utang ng bansa, naantalang poverty reduction goals at epekto ng pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa, at iba pa.