Handang-handa na sa kanyang Miss International bid ang forensic scientist at Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold sa darating na Disyembre.

Nitong Lunes, Oktubre 17, inilabas na ng Miss International organization ang official photos ng ilan sa 70 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Suot ang white and silver ensemble, regal at classic Pinay beauty ang peg ng 26-anyos na beauty queen sa international arena.

“I have so much gratitude in my heart for everyone who helped me get here. This is finally it 🥺🥰,” mababasa sa Instagram caption ni Hannah.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Agad na pinusuan ng libu-libong netizens sa parehong social media ni Hannah at ng Miss International Facebook page ang maagang pasabog ng Pinay queen.

Maging ang mga naunang Pinay beauty queens ay todo-cheer na agad sa Pinay rep.

“The long wait is over! Let's begin! Our queen is ready!” komento ni Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo.

Suportado rin ng former Binibining International queens na sina Miss International 2019 Top 5 finalist Patch Magtanong, at Miss International 2005 Lara Quigaman.ang pagsalang na sa wakas ni Hannah.

Nagpahayag na rin ng kanilang basbas kay Hannah sina Miss Universe 2021 finalist Steffi Rose Aberasturi at Miss Grand International 2016 first-runner up Nicole Cordoves.

Matapos ang halos tatlong taong hiatus, magbabalik na sa Disyembre ang Japan-based Miss International competition na dadaluhan ng nasa 70 bansa.

Basahin: Nasa 70 kandidata, magpapasiklaban sa pagbabalik ng Miss International competition – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid