Bukod kay Paolo Contis at iba pang mga nakapanood na ng "Doll House" sa Netflix, pinuri din ng dating Hashtags member na si Nikko Natividad ang mahusay na pagganap ni Baron Geisler bilang bida sa naturang pelikula.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/12/baron-geisler-puring-puri-sa-kaniyang-aktingan-sa-doll-house/">https://balita.net.ph/2022/10/12/baron-geisler-puring-puri-sa-kaniyang-aktingan-sa-doll-house/
Sey ni Nikko, akala raw niya noong una ay horror o pelikulang katatakutan ito dahil sa pamagat. Subalit nang mapanood na niya, talagang bumaha ang kaniyang luha at "muntik" na raw siyang malunod dito.
"Kala ko horror yung dollhouse dahil sa tittleđ ," ayon sa Instagram post ni Nikko noong Biyernes, Oktubre 14.
"Inang yan kamuntikan nakong malunod sa sarili kong luha. @baron.geisler napakahusay nyo po!"
"Salamat bro!!!" saad naman ni Baron.
Sa isa pang IG post ay sinabi ni Nikko na malaki ang naging impact sa kaniya ng pelikula, at tila mas lalo niyang minahal ang kaniyang misis na si Cielo.
"Bigla akong naging madrama after manood ng 'Doll House'. Date beer house favorite kođ Pag tumatanda ka talaga at nagmamahal nag-iiba na."