Pangarap na makatrabaho ng 'Maid in Malacañang' director na si Darryl Yap ang mga batikang aktor na sina Philip Salvador at Joey Marquez, na naging mga ex-boyfriend ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa isang Facebook post ni Yap nitong Linggo, Oktubre 16, ibinahagi niya gusto niyang gumanap bilang Ninoy Aquino si Philip Salvador at Fabian Ver naman si Joey Marquez.

"Viva : Sino ang Ninoy mo?"

"Darryl: A Dream to work with Philip Salvador"

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"VIVA: and your Fabian Ver?"

"Me: Siya lang… [Joey Marquez]."

Si Philip Salvador ang ama ng anak nila ni Kris na si Joshua Aquino habang si Joey Marquez naman ay naging boyfriend umano ni Kris noong 2002.

Gayunman, wala pang kumpirmasyon o pahayag kung tatanggapin ba ng dalawang aktor ang offer ni Yap at ng ViVa.

Sa Facebook post ng VinCentiments noong Agosto 6 ay makikita ang isang tila painting ng posibleng aktor na gaganap bilang si Ninoy.

Dalawang aktor ang lumutang: Sina Philip Salvador at dating mayor ng Quezon City na si Herbert ‘Bistek’ Bautista, na parehong malapit kay Kris.

“As the pinks of cinema prepares for an answer to #MiM DARRYL YAP GEARS FOR THE #MoM” saad sa caption ng FB post.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/08/gaganap-na-ninoy-aquino-ipe-o-bistek-raw-hula-ng-mga-netizen-sampal-umano-kay-kris/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/08/gaganap-na-ninoy-aquino-ipe-o-bistek-raw-hula-ng-mga-netizen-sampal-umano-kay-kris/

Noong Setyembre 13 naman ay nagsimulang mag-countdown ang 'Maid in Malacañang' direktor.

"Kailan, Saan, Ano ang larawang ito? Parating na Part 2 ng #MAIDinMALACAÑANG #MiM #MoM #MARTYRorMURDERER,” ayon sa kaniyang Facebook post.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/14/darryl-yap-ginalaw-na-ang-baso-para-sa-sequel-ng-mim-na-martyr-or-murderer/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/14/darryl-yap-ginalaw-na-ang-baso-para-sa-sequel-ng-mim-na-martyr-or-murderer/