Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na mula Oktubre 10 hanggang 16 ay nakapagtala pa sila ng 15,314 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sa National Covid-19 weekly case bulletin ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 2,188.

Ito ay mas mataas ngpitong porsyento kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 3 hanggang 9.

Sa mga bagong kaso, apat ang mayroong malubhang karamdaman.

National

Sen. Imee sa bangayang PBBM-VP Sara: ‘Ipagdasal natin sila!’

Nasa 251 naman ang nasawi, kabilang ang 33 na naitala nitong Oktubre 3 hanggang 16.

"Noong ika-16 ng Oktubre 2022, mayroong 690 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19," anang DOH.

"Pinaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng Covid-19. Bagkus, dapat nating ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar," sabi pa ng DOH.