Naibahagi ng ina ni Jake Zyrus (dating Charice) na si Raquel Pempengco ang kaniyang "real talk" tungkol sa showbiz, batay na rin sa kaniyang mga karanasan noon, sa kasagsagan ng international singing career ng anak.

Aniya, kahit magaling o talentado ang isang artist, kung wala itong matibay na "connection" at "right decision", wala ring mangyayari.

"Kahit anong galing mo sa lahat kung wala kang 'CONNECTION' at 'RIGHT DECISION' wala din ang galing mo… Just a piece of Advice sa lahat na nangangarap at nag-uumpisa pa lang… 'Always stay foot on the ground no matter how expensive shoes you wear'," aniya.

"Yan ang sinabi ni OPRAH kay CHARICE noong nag-uumpisa pa lang siya. Pag inuna ang yabang? Sabihin ko na sa inyo wala kayong patutunguhan… Just keep it to yourself na kung alam mong magaling ka. Sa nakikita at obserbasyon ko… hindi pa sikat feeling sikat na… Dami kong nakita na ganyan na di nag-bloom ang career…"

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION… yun lang… Real talk and Advice lang po… Based on my experienced…" saad pa ni Mommy Raquel.

Bukod dito, sinabi rin ni Raquel na sa palagay niya ay may "papalit" na kay Charice, sa katauhan ng "Tawag ng Tanghalan" contestant na si Mary Khem Cabagte, matapos nitong awitin ang "Always You" na kinanta ng anak noon.

"This is it! May papalit na kay Charice.." saad sa caption ni Raquel.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/15/inelbow-sariling-anak-raquel-pempengco-nag-post-na-may-papalit-na-raw-kay-charice/">https://balita.net.ph/2022/10/15/inelbow-sariling-anak-raquel-pempengco-nag-post-na-may-papalit-na-raw-kay-charice/

Marami naman sa mga netizen na nananatiling tagahanga ni Charice ang tila tumutol dito, dahil wala anilang makakapantay sa mga nagawa ng international singing sensation.