Nagsagawa ng inspeksyon ang Manila Police District (MPD) nitong Linggo, Oktubre 16, sa mga sementeryo sa Maynila bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

“Latag na ‘yong security preparations but we are flexible dahil nasa pandemic period pa po tayo,” ani MPD District Director Gen. Andre Dizon sa isang panayam ng ABS-CBN.

Nasa 1,000 pulis ang ipapakalat sa mga sementeryo ng lungsod sa pagdaraos ng "Undas."

“Iko-control natin ang entry ng mga bisita dito sa sementeryo,” dagdag ni Dizon.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Magpapatupad din ang pulisya ng anti-criminality procedure para matiyak ang kaligtasan ng publiko na bibisita sa kanilang namatay na mahal sa buhay, dagdag niya.

Pinaalalahanan naman ni Dizon ang mga magtutungo sa mga sementeryo na huwag magdala ng anumang nakamamatay na armas.

Nauna na ring nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa publiko na magdala ng mga inuming nakalalasing, nasusunog na materyales, baril at anumang matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, pamutol, atbp., videoke o anumang sound system na maaaring magdulot ng malakas na tunog, deck ng mga baraha, bingo card, o anumang uri ng pagsusugal ay ipinagbabawal sa loob ng Manila North Cemetery at Manila South Cemetery premises simula Sabado, Okt. 29 hanggang Miyerkules, Nob. 2.

Hindi rin papayagang makapasok sa lugar ang mga taong hindi nabakunahan pati na rin ang mga batang 12 taong gulang pababa.

Jaleen Ramos