Magalang na sinagot ng anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi na si Mavy Legazpi ang tanong ng isang netizen sa kaniyang ina, kung bakit mas inuna umano nila ang pagpasok sa showbiz kaysa sa pag-aaral.

Anang netizen sa comment section ng isang Instagram post, hindi naman daw siya basher kaya 'wag raw sanang masamain ang kaniyang pagtatanong.

"Ask lang po ha, hindi po ba nag-aral ng college sina Mavy at Cassy po? Bakit po parang inuna ang showbiz po less sa pag-aaral po, eh to think hindi naman nila kailangan ng pera compare sa iba po… mas (privileged) nga po sila eh…"

"Hindi po ako basher ha, nag-ask lang po. Kasi mostly naman po sa showbiz na royalty katulad n'yo, inuuna po ang school at next na lang po ang showbiz… thank you po."

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Magalang na nagkomento at ipinagtanggol ni Mavy ang kaniyang mga magulang.

"Currently 4th year in college, priority po ng magulang ko na tapusin ang studies namin. I'm thankful that they're very supportive when it comes to our showbiz careers."

"Goodnight po," ani Mavy.

Screengrab mula sa IG