Cool lamang na sinagot ng Kapamilya singer na si Elha Nympha ang mga okray na natatanggap niya dahil sa kaniyang hitsura.

Sa kaniyang tweet noong Oktubre 12, isang netizen ang sinabihan siyang "feeling maganda".

"Awww… dating chubby, now feeling sexy… nagpagawa ng fez, feeling maganda na!" sey ng isang basher.

Niretweet naman ito ng Kapamilya singer at kinomentuhan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Maganda naman po ako wag lang po itabi sa akin si Pia kasi maganda po siya kaya papanget po ako," ani Elha na ang tinutukoy ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

https://twitter.com/ElhaNympha/status/1580164358092750849

Sumang-ayon naman dito ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.

"Kahit kanino ka pa tumabi maganda ka pa rin ikaw ang nag-iisang beauty queen naming mga Elhanatics, we Miss Elha balik ka na sa ASAP ha.

"Maganda ka naman talaga at talented pa! PAK GANERN!"

"Gumaganda talaga at nag-iiba aura at a certain age. Yung iba maganda nung bata pero di na nag level up. Maganda ka sobra kasi super glow up, add na rin yung talent mo and character mo."

"You are gorgeous, don't mind them!"

Sa isa pang tweet, sinabi ni Elha na tila marami raw apektado sa kaniyang pagbanggit kay Pia.

"Dami naman affected dito🥲 I didn’t say any names except for Pia Wurtzbach kasi ang ganda niya at MISS U pa!"

https://twitter.com/ElhaNympha/status/1580544593372012545

"It’s giving hindi ako panget, panget ako kasi tumabi ako kay Pia Wurtzbach Ganoin!"