Naloka ang netizens sa kumakalat na screengrab mula sa isang eksena nina Jane De Leon at Zaijian Jaranilla sa trending superhero series ngayon ng ABS-CBN---ang "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" kung saan gumaganap na "Ding" ang 21 anyos na aktor.

Sa kuwento ng Darna, si Ding ang nakababatang kapatid ni Narda na siyang nagtatago at nag-iingat sa bato ng Pinay superhero, at tumatayo na rin niyang sidekick.

Unang sumikat si Zaijian bilang "Santino" sa hit teleseryeng "May Bukas Pa" noong 2009. Kamakailan lamang, siya naman ang gumanap na "Gio" sa hit na Philippine adaptation ng "Doctor Foster" na "The Broken Marriage Vow" kasama sina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez, at Zanjoe Marudo.

Kaya naman, dulot ng kaniyang mga naging roles ay naninibago pa marahil ang televiewers kay Zaijian dahil kitang-kitang grown up na siya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaya naman nawindang ang mga netizen sa naispatan nila sa litratong kumakalat sa social media kung saan nakabukaka ang aktor, na ibinahagi ng isang Facebook user na may caption na "Ding 'yung bato mo naman."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Ding bato ba 'yan ni Darna o ahas ni Valentina?"

"Grabe namang bato 'yan, kalaki!"

"Ding ang laki talaga ng bato ni Darna!"

"Tabi Darna, ako na bahala sa bato."

"Close your eyes, guys!"

Makikita rin ito sa Instagram account ni Zaijian subalit bigla ring binura.

Hindi naman tiyak kung galing mismo ang naturang litrato mula sa serye, o inedit lamang ng ibang tao o sumailalim sa tinatawag na "photoshop".