Namangha ang mga netizen sa slim at sexy body ni Megastar Sharon Cuneta nang maging guest performer sa "Gabay Guro" event, sa kaniyang Instagram post nitong Oktubre 15, 2022.
Kitang-kita ang kurbada sa katawan ni Mega habang suot ang kaniyang evening gown, at in fairness, ang laki ng ipinayat niya!
"Thank you to Gabay Guro Grand Gathering 2022 for having me as a guest again this year. It is always an honor and pleasure for me to sing for you, aming mga minamahal na guro! God bless and keep you safe and healthy always. I love you all!" saad ni Shawie sa kaniyang caption.
Narito ang ilan sa reaksiyon at komento ng mga netizen:
"Ang seksi mo naman!"
"Parang ang payat ni Ma'am Sharon po sa suot niya."
"Timeless beauty talaga! Keep it up Mega, slayyyy!!!"
"Parang noong dalaga palang siya."
"Diet reveal naman po, Mega!"