Pinakalma ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga tagahanga ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia na "nakapila" sa kaniya, matapos pag-usapan ang komento niya sa TikTok video nito.

Muli na namang nag-trending ang latest TikTok video ng aktor matapos niyang sumabay sa hype at sayawin ang "Pull up, pew!” dance craze ngayon sa nabanggit na social media platform.

Kagaya ng mga nauna niyang TikTok videos ay pumalo agad ito sa 11.5 million views at kinomentuhan ng mga kaibigang celebrity, online personality, at followers niya.

Isa na rito si Pia, na aniya ay nagbukas ulit ng TikTok account niya para lang mapanood si Joshua.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Nag-open ako ulit ng Tiktok para lang dito," ani Pia.

Pabiro naman siyang pinagsabihan ng mga netizen na walang Miss Universe-Miss Universe pagdating kay Pia at matuto siyang "pumila" para kay Joshua Garcia.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/12/pia-wurtzbach-natalakan-ng-netizens-dahil-kay-joshua-garcia-walang-miss-u-miss-u-pumila-ka/">https://balita.net.ph/2022/10/12/pia-wurtzbach-natalakan-ng-netizens-dahil-kay-joshua-garcia-walang-miss-u-miss-u-pumila-ka/

Nakarating ito sa kaalaman ni Pia, kaya sa pamamagitan ng tweet ay nagbiro siyang aware naman siya sa pila at wala naman siyang balak sumingit.

"Curious lang naman ako. 😄 Wag na kayo magalit. Aware naman ako sa pila. Haha!" aniya sa kaniyang tweet noong Oktubre 12, 2022.

https://twitter.com/PiaWurtzbach/status/1579865335549001728

Si Pia ay may "Jeremy Jauncey" na at si Joshua naman ay naging usap-usapan kamakailan dahil naispatan silang "HHWW" o holding hands while walking kasama si Bella Racelis.