Inalerto ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Pinoy sa Italy matapos pumutok ang Mt. Stromboli kamakailan.
Sinabi ng Philippine Embassy sa nasabing bansa nitong Biyernes, isinailalim na sa orange ang alert level status sa lugar sa gitna ng pag-aalburoto ng bulkan.
"While the Italian Department of Civil Protection indicated that monitoring parameters are 'normal with a persistent activity of the Strombolian type and ordinary intensity', all Filipinos in the affected areas and nearby areas are advised to continuously monitor the news," ayon sa pahayag Embahada ng Pilipinas sa Italy.
Panawagan pa ng Philippine Embassy sa mga Pinoy sa lugar, makipag-ugnayan lang sa embahada sa (+39) 334 658 2118, sa Philippine Consulate sa Reggio Calabria sa (39) 651 870 750, o sa Italian national emergency hotline at 112.
Huling pumutok ang bulkan nitong Linggo ng umaga kasabay ng pagbuga ng makapal na usok at lava patungo sa dagat.
Naitala ng Italian National Institute of Geophysics and Volcanology, ang huling pagputok ng bulkan nitong Setyembre 29. Gayunman, walang naitalang namatay o nasaktan.
PNA