Muling ipinamalas ni Manila-based international sculptor Jef Albea ang kaniyang husay sa likhang-sining tampok ang trending na mga karakter sa “Darna” series.

Matapos ang hindi kaaya-ayang karanasan sa kasunod ng kaniyang matagumpay na Paris exhibit kamakailan, nagbabalik sa kaniyang elemento ang Pinoy artist.

Basahin: P630K halaga ng art pieces ng Pinoy visual artist para sa Paris Fashion Week, ninakaw sa isang 5-star hotel – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang “Lipad” ang panibagong obra ni Jef na naililok niya matapos magbalik bansa galing bansang France.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

Dito, tampok ang sikat na Pinoy superhero na si Darna at ang kilalang katunggali nito na si Valentina.

Kasalukuyang umeere ang pinakabagong serye sa ABS-CBN na umani kamakailan ng kaliwa’t kanang papuri mula sa mga manunuod.

Tampok sa palabas ang bagong pagganap nina Jane De Leon bilang Darna at Janela Salvador bilang Valentina kung saan ilang progresibong tema ang napansin ng mga tagasubaybay.

“I always see Darna as Narda. A normal woman who can transform herself into someone powerful,” pagbabahagi ni Jef.

“This artwork represents the beauty, empowerment, and potential of every Filipina,” dagdag ng makabagong iskultor.

Porcelain airdry on brass armature, adobe stone in metallic gold leaf finish at resin ang mga materyal na ginamit ni Jef sa bagong obra.

Noong Setyembre, ang Pinoy artist ang kinatawan ng Pilipinas sa prestihiyusong International Contemporary Art Fair sa Paris Expo Porte de Versailles.

Basahin:KILALANIN: Jef Albea at ang kanyang nakamamanghang mga iskultura – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid