Kahit hindi naka-iskor si 7'2" center Kai Sotto sa kanilang laro laban sa Illawarra Hawks, nanalo pa rin ang koponan nitong Adelaide 36ers, 90-80, sa 2022-2023 National Basketball League Season sa Adelaide Entertainment Centre sa Australia nitong Sabado.

Gayunman, malaki pa rin ang ambag ni Sotto sa depensa sa nakuhang 7 rebounds at dalawang blocks sa 11 minutong paglalaro.

Kumana nang husto ang kakamping Craig Randall II sa nakolektang 28 puntos, apat na rebounds at tatlong assists.

Sumuporta rin kay Randall sina Robert Franks at Antonius Cleveland, kapwa nakaipon ng tig-16 puntos. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dumagdag pa sa suporta si Daniel Johnson na naka-10 puntos, walong assists habang si Mitch Mccarron ay nakakuha ng walong puntos at walong rebounds. 

Pinamunuan naman ni Deng Deng ang Illawarra sa naisalansan na 18 puntos habang si Tyler Harvey ay nagdagdag ng 16 puntos.

Nakatakdang sagupain ng Adelaide ang Sydney Kings sa Biyernes.