Inanunsyong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado na tataas pa at inaasahang papalo na sa mahigit P163 milyon ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 sa susunod na bola nito ngayong Linggo, Oktubre 16.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, walang nakahula sa six-digit winning combination na 24-48-37-16-01-42 ng SuperLotto 6/49 na binola nitong Huwebes ng gabi, kaya’t walang nakapag-uwi ng katumbas nitong premyo na P153,877,685.60.

Mayroon naman aniyang 25 mananaya na nakapag-uwi ng tig-P50,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Nabatid na tataas rin naman sa P132 milyon ang jackpot prize ng ng UltraLotto 6/58 na bobolahin ngayong Linggo rin ng gabi.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Ani Robles, wala ring nakahula sa six-digit winning combination nito na 32-15-09-47-40-01 na binola nitong Biyernes ng gabi at may katapat na jackpot prize na P128,936,584.80.

Nasa siyam na mananaya naman ang nakapag-uwi ng tig-P120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Samantala, batay naman sa jackpot estimates ng PCSO, ang premyo ng MegaLotto 6/45 na bobolahin sa Lunes, Oktubre 17, ay aabot na sa P23 milyon, matapos na hindi matamaan ang P18,616,747.80 na papremyo nito na binola nitong Biyernes ng gabi, at may six-digit winning combination na 38-10-01-15-17-08.

Kaugnay nito, hinikayat ni Robles ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang lotto games upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na instant milyonaryo ng lotto.

Ayon kay Robles, walang talo sa pagtaya sa mga PCSO games dahil hindi man maging instant millionaire ay may tiyak namang makakatulong sa kawanggawa.

Ang SuperLotto 6/49 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 ay binubola naman tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Ang MegaLotto 6/45 naman ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.