Usap-usapan ngayon ang Facebook post ng ina ni Charice Pempengco na si Raquel Pempengco, matapos niyang sabihing may papalit na umano sa "korona" ng kaniyang anak, pagdating sa pagiging mahusay na biritera.

Matatandaang bago maging "Jake Zyrus" ay sumikat nang bonggang-bongga si Charice sa buong mundo, at mapalad pang naka-collab ang iba't ibang international singers at musicians, kagaya nina Celine Dion at David Foster.

Bagama't kumakanta pa rin, iba na rin ang timbre ng tinig at genre ng musika ni Jake dahil na rin sa kaniyang mga pagbabago, kaugnay ng pagsasailalim sa transisyon.

Gumanap din siya bilang "Sunshine Corazon" sa second season ng musical series na "Glee".

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Mommy Raquel na ang nakikita niyang papalit kay Charice ay ang "Tawag ng Tanghalan" contestant na si "Mary Khem Cabagte".

"This is it! May papalit na kay Charice.." saad sa caption ni Mommy Raquel.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Mommy Raquel na may "real talk" siya pagdating sa showbiz.

"Kahit anong galing mo sa lahat kung wala kang 'CONNECTION' at 'RIGHT DECISION' wala din ang galing mo… Just a piece of Advice sa lahat na nangangarap at nag-uumpisa pa lang… 'Always stay foot on the ground no matter how expensive shoes you wear'," aniya.

"Yan ang sinabi ni OPRAH kay CHARICE noong nag-uumpisa pa lang siya. Pag inuna ang yabang? Sabihin ko na sa inyo wala kayong patutunguhan… Just keep it to yourself na kung alam mong magaling ka. Sa nakikita at obserbasyon ko… hindi pa sikat feeling sikat na… Dami kong nakita na ganyan na di nag-bloom ang career…"

"Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION… yun lang… Real talk and Advice lang po… Based on my experienced…" saad pa ni Mommy Raquel.

Screengrab mula sa FB/Raquel Pempengco

Samantala, may mga netizen naman na di sumang-ayon sa sinabi niyang may papalit na kay Charice. Nag-iisa lamang daw si Charice, at mananatili sa mga alaala at puso nila ang prime years nito at pamamayagpag sa ibang bansa.

"Parang nag-iisa lang po si Charice hehe."

"Wala pong papalit kay Charice."

"Puwede mommy… kasing range ng voice ni Charice… Magaling din to. Pero mas powerful talaga si Charice… wala nang papalit…"

"Magaling po siya mommy❤. Pero si Charice pa rin po ang #1 sa puso ko❤."

"No way Charice is Charice walang makakatulad. Sorry po."

Samantala, hindi pa malinaw kung nagkaayos na ba sina Mommy Raquel at Jake.

Matatandaang nanawagan si Mommy Raquel kay Jake na magpakita naman sa kanila, nang masawi ang ilang mga kaanak nila ngayong taon.