Sa isang scribble portrait idinaan ng isang Malabon-based artist-activist ang huling pagpupugay sa batikang brodkaster na si Percy Lapid.

Matatandaan ang walang-habas na pamamaril sa komentarista dahilan para malagutan ng hininga noong Oktubre 3 habang nasa loob ng kaniyang sasakyan sa Las Piñas City.

Basahin: Broadcaster na si Percy Lapid, patay matapos pagbabarilin sa Las Piñas City – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Malawakang pagkondena ang tinamo ng pagpaslang na umano’y ang motibo ay may kaugnayan sa propesyon ng mamamahayag.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Basahin: NUJP, kinondena ang pagpatay kay Percy Lapid – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bago ang pamamaslang, kagaya ng ilan pang kritikal na komentaryo, nakapagsagawa pa umano ng kaniyang programa si Lapid, kung saan binanatan niya maging si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Lorraine Badoy sa ginagawa umano nilang “red-tagging”.

Isa sa maraming katuwang ng pamilya sa paghingi ngayon ng hustisya ang Malabon-based activist na si Roimhie Damiano.

“Nakapanlulumo, nakakagalit at disappointed [ako] kung paano hinahandle ng gobyerno ang sunod-sunod na pagpaslang sa mga mamamahayag. Walang malinaw na plano para dito, walang maayos na aksyon. Ayon nga sa datos ng NUJP ay umabot na sa 197 ang journalist na pinatay mula 1986. Hanggang ngayon ay patuloy na nadadagdagan,” anang visual artist sa panayam ng Balita Online.

Sa kabila nito, hindi aniya pagpipilian ang patuloy lang na takot.

“Lalo na sa panahon na patay ang hustisya, mas nakakatakot ang paunti-unting pagpikit ng katotohanan,” dagdag niya.

"Salamat sa pagtindig sa katotohanan," dagdag na pagpupugay ni Damiano sa mamamahayag.

Matapos mag-viral isang Facebook group, nakarating naman ang obra ni Damiano sa kapatid ni Percy na si Roy Mabasa.

Nagpahayag din ng interes si Damiano na ipadala ang kaniyang guhit sa naulilang pamilya ng brodkaster.

Nauna nang tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na igagawad sa pamilya ng batikang mamamahayag ang nararapat na hustisya.

Basahin: PNP chief, tiniyak na makakamit ng pamilya ni Percy Lapid ang hustisya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid