Muling iflinex kamakailan ng former Miss Earth Philippines 2021 candidate na si Anita Rose Gomez ang pamatay niyang waistline!

Agaw-pansin online ang nakakalulang katawan ni Zambaleña beauty queen na sumasabak ngayon sa Cosmo Manila King & Queen 2022.

View this post on Instagram

A post shared by Anita Rose Gomez (@anitarosegomez)

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Viral sa isang Facebook pageant community ang latest na two-piece bikini photos ng beauty queen sa kaniyang social media.

Sari-saring reaksyon ng netizens ang makikita sa viral post.

“Laban yarn perfect body!”

“Pwede ring pang Miss Universe ‘to!”

“Pwede to sa Miss Globe or MGI [Miss Grand International].”

Pagpansin din ng netizens, tila buhay na barbie doll ang postura ng beauty queen.

Sa kabila ng positibong komento, ilang netizens naman ang nagpahayag ng pagkabahala sa anila’y mukhang “unhealthy” na hubog ng pangangatawan ni Anita.

“Yeah, a body to 'literally' die. Not to shame her, but this may cause insecurities among others and eating disorders. Impossible and unrealistic to achieve.”

“That’s not the body to die for, wrong message for young women especially, you don’t have to be this skinny to look beautiful.”

“To die for? To each their own but definitely not for me. It looks too skinny.”

Dating Miss Earth Philippines 2021 candidate si Anita Rose. Dagdag din sa kaniyang mga tagumpay ang mga titulong Miss Sibit-Sibit Indiano 2019, Miss LK Olangapo 2019, bukod sa iba pa.