Tila tinuldukan na ng aktres na si Maxene Magalona ang usaping hiwalay na siya sa asawang si Rob Mananquil matapos nitong kumpirmahin na single na siya.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, Oktubre 14, masayang ibinahagi ng aktres ang perks ng pagiging single at childless.

"No date? No problem!Perks of being single and childless: You have full control of your schedule. You can literally do anything you want on any day at whatever time," sey ni Maxene.

"I watch movies in the cinemas alone, take myself out on dates and go on long solo drives especially when my vibration is low."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"One time, I even felt the sudden urge to buy crystals for extra protection and I was able to do it easily because I have no one else to think of but myself.Life is all about perspective. Do you see your glass half empty or half full? I see mine overflowing."

Earlier this year, matatandaang naging usap-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon ni Rob matapos tanggalin ng aktres ang apelyido ng asawa sa kaniyang Instagram account.

Gayunman, sa pag-uulat, wala pang pahayag ang dalawang personalidad hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon.

Ikinasal sina Maxene at Rob noong Enero 2018.