Good vibes ang hatid ng post ng isang netizen sa isang Facebook page matapos niyang ibahagi ang tila pagnanais ng kaniyang furbabies na mag-withdraw din ng pera sa isang bangko.

Pabirong caption ni Candy Mojica sa kaniyang Facebook post, "Pawithdraw po pambili ng dog foods baka mangayayat."

Natuwa naman ang mga netizen sa ka-cutan ng kaniyang doggies at pinuri din ang bangko dahil pumayag ang mga itong magpapasok ng pet dogs sa loob ng establisyimiento.

"Kudos to #EASTWESTBANK they allowed our fur babies sana all…"

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"If this is the way the EWB guys treat dogs, you know how good they are at treating clients."

"Nice one, EastWest Bank. Sana lahat ng bank, pet friendly."

"Sa ibang bangko kasi, bawal ang pet dogs hehe. Buti na lang mababait yung ibang guards, kaya kahit hindi puwedeng papasukin sa loob, sila na lang nagbabantay sa labas."