Eksenadora ang peg ng magkaibigang Ian Aten at Prancer Villanueva na naispatang rumarampa at pagala-gala sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Puerto Princesa, Palawan, habang nakasuot ng Darna costume.

Feeling ng dalawa, sila ang pinagsamang sina Angel Locsin, Marian Rivera, at Jane De Leon dahil sa kanilang trip. Kuwento nila, 2021 pa silang nagsimulang magsuot ng iba't ibang costume subalit nahinto lamang dahil sa mga bagyo at iba't ibang mga gawain sa paaralan.

Ian Aten at Prancer Villanueva (Larawan mula sa FB ni Archie Perez)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ian Aten at Prancer Villanueva (Larawan mula sa FB ni Archie Perez)

Ian Aten at Prancer Villanueva (Larawan mula sa FB ni Archie Perez)

Nasisiyahan naman sila sa ginagawa nila at huwag daw sana silang pagtaasan ng kilay ng mga tao dahil good vibes lamang daw ang nais nilang ibigay para sa lahat.