Malapit nang magtapos ang seryeng "Love in 40 Days" ng magkatambal on-screen at sa tunay na buhay, na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, na kauna-unahan nilang lead role.

Kaya naman, nagsagawa ng isang press conference ang Kapamilya Network para sa kanila. Natanong naman si Ronnie kung ano raw ang bet nilang gawin kung sakaling magugunaw na ang daigdig at may 40 araw na lamang ang natitira sa buhay ng lahat.

Pabirong hirit ni Ronnie, magpapakasal raw agad sila ni Loisa at gagawa ng 7 babies!

"Syempre kung iyon na lang ang natitirang araw, gagawin namin ang lahat para maging masaya lang. So magpapakasal kami! At gagawa kakami ng 7 babies. Hahaha!," masayang sey ni Ronnie na ikinatawa rin ni Loisa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sundot naman ni Loisa, imposible raw 'yon dahil hindi naman siya magluluwal ng sanggol sa loob ng pitong araw.

Si Loisa ay naging housemate sa reality show na "Pinoy Big Brother" habang si Ronnie naman ay naging miyembro ng grupong "Hashtags" sa noontime show na "It's Showtime".