Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Francine Diaz na papasok na ulit siya sa school, batay sa kaniyang latest Instagram post nitong Oktubre 12, 2022.

Ayon sa caption ni Francine, ito ang unang face-to-face classes nila ngayong 2022 sa Southville International School na affiliated sa foreign universities.

Masayang-masaya si Francine dahil finally ay na-meet na niya ang kaniyang mga guro at kaklase.

"First face to face class this year!" ani Francine na bibida sa bagong teleserye ng Kapamilya Network na "Dirty Linen".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Felt like a first timer😂 It was so nice to finally meet my classmates in person.🫶🏻 #ProudPaladin."

Ibinahagi ni Francine ang ilan sa mga kuhang litrato at video clips niya kasama ang guro at mga kaklase.

Isa sa mga naging masaya para sa kaniya at nagkomento ay si Dimples Romana, na gumanap bilang half sister niya na si 'Daniela Mondragon' sa teleseryeng Kadenang Ginto.

Matatandaang naging meme at tumatak sa mga netizen ang isa sa mga linyahan mula sa serye na "Hindi ka muna papasok sa school, Cassie…"

Screengrab mula sa FB

"Cassssiiiieeee…. Diba sinabi ko naman sayo, hindi ka muna papasok sa…. 😜 okay okay, pumasok ka na sa school Cassie, I’m a proud ate ❤️🔥- Daniela," pabirong komento ni Dimples.

"@dimplesromana pero ate… salamat po🥰," tugon naman ni Francine.

Biro pa ni Dimples, "Oh and please ask your school if I can also attend their courses there 😉 di ba ang exciting kung kaklase mo your one and only step sister? 🥰😘 @francinesdiaz @southville_is."

Marami naman ang naka-miss sa KG na napapanood ngayon sa bansang Africa, na may titulong "The Heiress".