Hindi rin nagpahuli ang aktor na si Paolo Contis sa panonood ng pelikulang "Doll House" na nagsimulang umere sa Netflix noong Oktubre 7. 

Makikita sa Instagram story ni Paolo ang picture niya na tila kagagaling lang sa pag-iyak. 

"After watching #Dollhouse sa @netflix @netflixph," sey niya nito lamang Huwebes, Oktubre 13.

"Congrats Brothah! @baron.geisler #IyakReveal," dagdag pa niya. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagreply naman si Baron sa IG story ni Paolo, "@paolo_contis Legendary bro!! Yakap!!! See you very very soon. #Tuduum."

Usap-usapan ngayon ang pelikula ni Baron dahil na rin sa mga magagandang feedback mula sa manonood.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong bumida si Baron sa isang pelikula dahil nasanay ang viewers na lagi siyang nasa supporting roles, o kaya naman ay kontrabida.

Ngunit sa pagkakataong ito ay ipinakita ng aktor na deserve niya ang pangalawang pagkakataong ibinibigay sa kaniya ngayon, at kayang-kaya niyang bumida at magpaiyak sa isang pelikula, malayo sa mga nakakasanayan nang role niya bilang nakakagalit na kontrabida.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/12/baron-geisler-puring-puri-sa-kaniyang-aktingan-sa-doll-house/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/12/baron-geisler-puring-puri-sa-kaniyang-aktingan-sa-doll-house/