Usap-usapan ngayon sa Twitter ang umano'y mga akusasyon ng young actor na si Rhys Miguel laban sa kaniyang kapwa aktor na si Patrick Quiroz.
Sa kumakalat na video ni Rhys na nagmula sa kaniyang Instagram, ibinunyag ni Rhys ang mga ginagawa umano ni Patrick sa kanilang taping. Nagkasama ang dalawa sa seryeng "He's Into Her" na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Nagsimula siya sa pagtatanong sa kaniyang followers kung kilala ba nila si Patrick Quiroz. Nang marami ang sumagot ng "Oo", dito na siya nagsimulang maglahad.
Napansin na raw niya noong una na "binabastos" ni Patrick ang ilan sa mga kasamahan nilang babaeng artists sa serye. Sa umpisa ay wala naman daw siyang problema o concern sa naturang aktor.
Isang babaeng co-star daw nila ang sinabihan nitong "Wow, buti naman kasya ang malaki sa bibig mo" habang kumakain ito ng lollipop.
Gusto raw sanang suntukin ni Rhys si Patrick subalit nakapagtimpi naman daw siya at wala siyang ginawa rito. Wala raw kasi siya sa harapan nito nang mangyari ang insidente. Nakarating lamang sa kaalaman ni Rhys ang kuwentong ito nang magsumbong ang mga babaeng co-artists sa kaniya.
At dito na inilahad ni Rhys ang iba pa niyang mga napansing galawan ni Patrick, mapa-babae man o lalaki.
Ngunit ang shocking revelation pa rito, maging si Rhys umano ay di raw nakaligtas kay Patrick.
"I woke up in the morning. Noong nagising ako, as in ito, raw na raw ito… malambot yung hotdog ko. Jinaj**ol niya yung lambot ng hotdog ko… kinikiss-kiss (o kinikiskis) niya ako… nagising ako… noong nagising ako, hinahabol-habol ko siya…" kuwento pa ni Rhys.
Marami sa mga netizen ang humimok kay Rhys na magsampa ng kaso laban kay Patrick, kung totoo man daw ito, dahil ito raw ay isang uri ng krimen.
Sa kasalukuyan ay trending sa Twitter ang "Rhys" at "Patrick Quiroz".
Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kampo ni Patrick Quiroz maging ang ABS-CBN management tungkol sa isyung ito.