"Sana, hindi rin natutulog ang hustisya," 'yan ang tugon ng batikang mamamahayag na si Karen Davila sa tweet ni dating Senador Leila de Lima.

"To have faith when justice eludes you. Sana, hindi rin natutulog ang hustisya," tugon ni Davila sa tweet ni de Lima tungkol sa natutunan nito sa isang misa na ginanap sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) kamakailan.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

https://twitter.com/iamkarendavila/status/1579827732418277377

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/10/12/ex-sen-leila-de-lima-hindi-natutulog-ang-diyos-may-dahilan-ang-lahat/

Bukod dito mayroon pang naunang tweet si Davila tungkol naman ito sa pagdalo ng dating senador sa isang hearing kaugnay sa dalawa pang illegal drug charges na inihain laban sa kaniya.

 

"Former Senator Leila De Lima is one strong woman. After being taken hostage, she still chose to attend her hearing," ani Davila.

"It’s been 5 years. Witnesses have recanted & even admitted they lied, made up accusations against her."

"The PH justice system should do right by her," aniya pa.

https://twitter.com/iamkarendavila/status/1579689841251741696

Matatandaang noong Oktubre 9 ay hinostage ng tatlong inmates si de Lima matapos saksakin ng mga ito ang isang pulis na nagrarasyon ng pagkain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa loob ng Camp Crame.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/09/pulis-na-sinaksak-kritikal-ex-senator-de-lima-hinostage-ng-3-inmates-sa-camp-crame/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/09/pulis-na-sinaksak-kritikal-ex-senator-de-lima-hinostage-ng-3-inmates-sa-camp-crame/