Marami ang nakaabang sa "bakbakan" ng dalawang CEO ng kani-kanilang beauty products na sina Glenda Victorio at Rosmar Tan, matapos ang ilang ulit nilang parinigan sa social media, hanggang sa umabot na raw ito sa demandahan.

Ibinahagi ni Glenda ang pakikipagkita niya sa kaniyang legal team para sampahan umano ng kaso ang isang taong naninira sa kaniya at nandawit pa sa kaniyang pamilya. Bagama't wala namang pinangalanan, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy niya ay si Rosmar.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/11/ceo-ng-beauty-products-na-si-miss-glenda-victorio-magsasampa-ng-kaso-sa-taong-naninira-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/11/ceo-ng-beauty-products-na-si-miss-glenda-victorio-magsasampa-ng-kaso-sa-taong-naninira-sa-kaniya/

Si Rosmar naman, tila wafakels sa mga bali-balitang ito at nagpahayag pang kayang-kaya niyang makipag-ubusan ng "lacash" at naghahanda na rin siya sa pagsasampa ng demanda sa "iba't ibang mga tao".

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/11/ubusan-ng-cash-rosmar-tan-wafakels-sa-kasong-isasampa-raw-sa-kaniya-magdedemanda-rin/">https://balita.net.ph/2022/10/11/ubusan-ng-cash-rosmar-tan-wafakels-sa-kasong-isasampa-raw-sa-kaniya-magdedemanda-rin/

Sa isa pang post, ipinaliwanag ni Rosmar na "image" lamang niya ang pagiging mapang-asar at mayabang sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/11/kapag-hitik-ang-bunga-pilit-pinupukol-rosmar-may-sey-sa-mga-bash-na-mapang-asar-mayabang-siya/">https://balita.net.ph/2022/10/11/kapag-hitik-ang-bunga-pilit-pinupukol-rosmar-may-sey-sa-mga-bash-na-mapang-asar-mayabang-siya/

Ngayong Miyerkules, Oktubre 12, ibinahagi ni Rosmar ang naging kumbersasyon umano nila ng kaniyang mister na si Nathan Pamulaklakin, habang nasa loob daw sila ng sasakyan.

"Mommy, tama na ang pang-aasar, pagyayabang at pang-iinis sa socmed ha?" sabi raw sa kaniya ng mister habang nagmamaneho ito.

Sagot daw ni Rosmar, "Daddy alam mo naman na hindi talaga ako mayabang in real life."

Sa puntong ito ay napaiyak na raw si Nathan.

"Mommy, alam ko yun na hindi ka mayabang sa totoong buhay kaya nga nasasaktan ako everytime na bina-bash ka nila ng mayabang, kasi alam ko ang totoong ugali mo. 🥲."

"Kaya simula ngayon mommy tigil mo na pang-aasar mo ha? Alam kong content mo lang 'yan dahil diyan ka nakilala, 'yan ang branding mo bilang ROSMAR, pero ngayon kasi hindi ka na si ROSMAR, ikaw na si Rosemarie Tan Pamulaklakin, asawa kita at may anak ka na."

Naiyak daw si Rosmar sa iba pang mga sinabi ng kaniyang mister, kaya napagdesisyunan na niyang simula ngayon ay magbabago na siya.

"Kaya simula ngayon guys, si ROSEMARIE na ang makikita n'yo, at hindi na si ROSMAR," aniya.

Sa kabilang banda, nagtungo naman sina Glenda at ang kaniyang pamilya sa Amerika upang magbakasyon, ayon sa kaniyang latest Facebook post.

"Amid all chaos, calm yourself, breathe, go on…," ani Glenda.

"The inner peace of mind is always beautiful, embrace it! See you America! Excited na ako sa lahat ng gagawin namin!"

Nang nasa Amerika na ay nag-post ulit ang CEO.

"Priceless. ♥️"

"Restoring my inner peace at Hollywood Los Angeles, California. 🇺🇸."

"Yearly, nandito kami para mamili ng regalo para sa aming Relatives, Friends, Franchisees, Distributors, Sellers at mga Followers. 💎."

"Ang saya lang na yung mga lugar na hindi ko akalaing mapupuntahan ko, ngayon nasasama ko pa yung mga taong anjan palagi para sakin. ♥️"

"With FAM and my ANGELS. 😇."

"Soon, mas madami at kumpleto na kami kapag okay na ang mga Visa nila. Thank you, Lord, for all the blessings! Ang sarap maging masaya ng wala kang tinatapakang ibang tao. Tuloy pa rin ang trabaho, kakatapos ko lang mag-live, mamaya ulit," update ni Glenda.