Sa kabila ng mga isyung kinasasangkutan niya ngayon, ibinahagi ng CEO ng isang beauty product na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o "Rosmar Tan" ang naging kumbersasyon umano nila ng kaniyang mister na si Nathan Pamulaklakin, habang nasa loob daw sila ng sasakyan.

Matatandaang marami ang buma-bash kay Rosmar dahil sa pagiging mapang-alaska at "mayabang" daw nito, bagay na nilinaw naman ni Rosmar, na "imahe" lamang daw niya ito sa social media. Kung may higit na nakakaalam sa tunay niyang pagkatao, ito ay ang kaniyang pamilya.

"Mommy, tama na ang pang-aasar, pagyayabang at pang-iinis sa socmed ha?" sabi raw sa kaniya ng mister habang nagmamaneho ito.

Sagot daw ni Rosmar, "Daddy alam mo naman na hindi talaga ako mayabang in real life."

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Sa puntong ito ay napaiyak na raw si Nathan.

"Mommy, alam ko yun na hindi ka mayabang sa totoong buhay kaya nga nasasaktan ako everytime na bina-bash ka nila ng mayabang, kasi alam ko ang totoong ugali mo. 🥲."

"Kaya simula ngayon mommy tigil mo na pang-aasar mo ha? Alam kong content mo lang 'yan dahil diyan ka nakilala, 'yan ang branding mo bilang ROSMAR, pero ngayon kasi hindi ka na si ROSMAR, ikaw na si Rosemarie Tan Pamulaklakin, asawa kita at may anak ka na."

Naiyak daw si Rosmar sa iba pang mga sinabi ng kaniyang mister, kaya napagdesisyunan na niyang simula ngayon ay magbabago na siya.

Malaki umano ang pasasalamat ni Rosmar dahil nagkaroon siya ng mister na kalmado lamang.

"Kaya simula ngayon guys, si ROSEMARIE na ang makikita n'yo, at hindi na si ROSMAR," aniya pa.

May mga netizen naman na sumang-ayon sa mister ni Rosmar subalit mayroon ding nagsabing ipagpatuloy lamang niya ang pang-aasar.

"Di ko na alam kung sino susundin ko," nasabi na lamang ni Rosmar.

Samantala, abangers na ang mga marites sa magiging "salpukan" nila ng karibal na si "Glenda Victorio".

Handa umano si Rosmar na "makipag-ubusan ng LaCash" sa demandahan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/12/rosmar-tan-pinapahinto-ng-mister-sa-pang-aasar-glenda-victorio-tumulak-pa-amerika-para-mag-chill/">https://balita.net.ph/2022/10/12/rosmar-tan-pinapahinto-ng-mister-sa-pang-aasar-glenda-victorio-tumulak-pa-amerika-para-mag-chill/