"Away-bati" man bilang mag-asawa, nagbigay ng pagkatamis-tamis na mensahe para sa kaarawan ng kaniyang mister na si Jason Francisco, si "Magandang Buhay" Momshie host Melai Cantiveros.

Mababasa ito sa Instagram post ni Melai nitong Martes, Oktubre 11. Inilarawan niya ang mister bilang "best enemy".

"Happy Birthday to the Best Enemy I've ever have in my Life, I've never feel this hate and love collide in one collaboration 😵‍💫🤪😅🤫😂. Hahahhah Char lang, mabuti na lang at talagang napakabuti mong Ama sa iyong mga anak dahil kung hindi talagang, wala nang magiging collaboration ng Love and Hate, kundi hate na lang 🤪🤪🤪. Char lang . Happy B-day Papang always remember mawala na lahat sa'yo andito kami mananatiling mag-iingay sa buhay mo."

Nagkrus ang mga landas nina Melai at Jason sa reality show na "Pinoy Big Brother" bilang housemates. Noong una ay tuksuhan lamang subalit nang lumabas na sila sa Bahay ni Kuya, ay nauwi na sa totohanan ang kanilang pagmamahalan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aminado ang mag-asawa na halos dumaan na sila sa hiwalayan, subalit naayos naman nila ito.

Kamakailan lamang ay naging viral ang video ni Melai at mga junakis nila ni Jason dahil sa "chicken nuggets".

Nagkaroon na rin ito ng sariling music video, gawa ng mga tagahanga ni Melai.