Tutulak pa-Australia para sa kaniyang solo concert tour si Megastar Sharon Cuneta ngayong Oktubre.

Sa kaniyang Instagram update nitong Linggo, apat na lugar sa Australia ang kumpirmadong pagtatanghalan ng OPM at Philippine cinema icon para sa kaniyang “Love, Sharon” concert.

Tampok sa musical treat ang batikang si Maestro Louie Ocampo bilang musical director ng OPM icon.

Kabilang sa bibisitahin ni Mega ang Adelaide, Perth, Sydney, at Melbourne mula Oktubre 15 hanggang Oktubre 29.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Ilang Pinoy followers naman ni Mega sa Instagram ang nagpahayag na ng excitement sa tour.

Nitong Hulyo, jam-packed din ang schedule ni Mega para sa matagumpay na Iconic tour nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa North America.